Episode's summary
MILAGRO SA AGOO? Ngayong Sept. 8, sa pagdiriwang ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, ating balikan ang isa sa pinakamalaking kontrobersya noon sa Simbahang Katolika… ang tinatawag na Milagro ng Agoo. Noong 1989, sa Agoo, La Union, isang nagpakilalang visionary na si Judiel Nieva ang nagsabing nagpakita raw sa kanya ang Birheng Maria sa isang burol. At nang minsang tumanggap daw ito ng Communion, ang ostiya sa kanyang bibig… naging dugo?! Sinundan pa ito ng mga ulat tungkol sa dancing sun at pagluha diumano ng dugo ng imahen ng Birheng Maria! Pero paano kung ang mismong Simbahang pinagmulan ng kanilang pananampalataya ay nagsabing… walang himala?! Kumusta na nga ba si Judiel Nieva ngayon at ano nga ba ang nangyari sa tinaguriang Milagro sa Agoo? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Episodes
Milagro sa Agoo? -Judiel Nieva, Dancing Sun, Lumuluhang Birhen?
ListenedMILAGRO SA AGOO? Ngayong Sept. 8, sa pagdiriwang ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, ating balikan ang isa sa pinakamalaking kontrobersya noon sa Simbahang Katolika… ang tinatawag na Milagro ng Agoo. Noong 1989, sa Agoo, La Union, isang nagpakilalang visionary na si Judiel Nieva ang nagsabing nagpakita raw sa kanya ang Birheng Maria sa isang burol. At nang minsang tumanggap daw ito ng Communion, ang ostiya sa kanyang bibig… naging dugo?! Sinundan pa ito ng mga ulat tungkol sa dancing sun at pagluha diumano ng dugo ng imahen ng Birheng Maria! Pero paano kung ang mismong Simbahang pinagmulan ng kanilang pananampalataya ay nagsabing… walang himala?! Kumusta na nga ba si Judiel Nieva ngayon at ano nga ba ang nangyari sa tinaguriang Milagro sa Agoo? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
The Hultman-Chapman Double Slay Case | Philippine Controversies Revisited
ListenedNoong July 13, 1991, habang pauwi sina Maureen Hultman, Roland John Chapman, at Jussi Leino matapos ang isang night out, hinarang sila at binaril sa loob ng isang exclusive village sa Makati. Namatay si Roland sa pamamaril, habang nasugatan sina Maureen at Jussi. Kalaunan, pumanaw rin si Maureen. Ang pangunahing suspek... si Claudio Teehankee Jr., anak ng dating Supreme Court Chief Justice Claudio Teehankee Sr. Ang kaso, nagbukas ng mga usapin tungkol sa impluwensiya, pribilehiyo, at kung pantay ba ang pagpapatupad ng batas. #PhilippineControversiesRevisited Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
The Tragic Death of Beauty Queen Maria Teresa Carlson | Philippine Controversies Revisited
ListenedBeauty queen. Actress. Comedienne. Isa siya sa may pinakamagagandang mukha sa Philippine showbiz noong '80s. Siya si Maria Teresa Carlson. Pero noong 1996, nagulat ang publiko nang ibinunyag ni Maria Teresa ang umano'y matinding pang-aabusong dinanas niya sa kamay ng kanyang asawa, si Rodolfo "Rudy" Fariñas Sr. na noo'y gobernador ng Ilocos Norte. Mariing itinanggi ni Fariñas ang mga alegasyon. At ilang araw matapos nga ang kontrobersyal na panayam, binawi naman ni Maria Teresa ang kanyang mga pahayag. Makalipas ang limang taon, natagpuan siyang patay matapos umanong tumalon mula sa ika-23 palapag ng isang condominium sa San Juan. Ano nga ba ang totoong nangyari kay Maria Teresa Carlson? #PhilippineControversiesRevisited Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Road Rage Murder - The Jason Ivler Case | Philippine Controversies Revisited
ListenedNoong 2009, isang insidente ng road rage ang nauwi sa pamamaril na ikinasawi ng isang lalaki. Sinundan ito ng malawakang manhunt para sa suspek na si Jason Ivler. Si Jason... anak ni Marlene Aguilar, kapatid ng OPM icon na si Freddie Aguilar. Sa paglipas ng mga taon, ano na nga ba ang nangyari sa kaso? #PhilippineControversiesRevisited Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sino ang pumatay sa 'Sisig Queen'? | Philippine Controversies Revisited
ListenedBago naging paboritong ulam at pulutan ng marami ang sisig, isang babae mula Angeles City, Pampanga ang nagpasikat ng bersyon ng pagkaing ito na nakilala sa buong bansa. Siya si Lucia “Aling Lucing” Cunanan, ang tinaguriang “Sisig Queen.” Pero noong April 16, 2008, brutal siyang pinaslang sa loob mismo ng kanilang tahanan at natagpuang tadtad ng saksak. 18 taon matapos ang pagpaslang sa Sisig Queen, may malinaw na bang sagot sa katanungang: Sino ang pumatay sa 'Sisig Queen'? #PhilippineControversiesRevisited Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.