Episode's summary
After ng gender reveal, diretso kami ni Reich sa isa na namang The Linya-Linya Show episode para sa second installment ng aming Touchdown, Baby! series! 👶🏻💙 This time, pinagkuwentuhan namin ang mga unang naiisip, nararamdaman, at pinaghahandaan namin ngayong papalapit na ang pagdating ng aming baby boy. Mula sa mga kailangang bilhin at ayusin sa bahay, household help, hanggang sa mga excitement, worries, expectations, at mga tanong namin bilang first-time parents. Walang experts dito—dalawang mag-asawa lang na nangangapa, natututo, at excited salubungin ang bagong chapter ng buhay namin bilang isang maliit na pamilya. Samahan n'yo kami sa isa na namang kuwentuhang puno ng pagmamahal, tawanan, at konting kaba. Listen up, yo!
After ng gender reveal, diretso kami ni Reich sa isa na namang The Linya-Linya Show episode para sa second installment ng aming Touchdown, Baby! series! 👶🏻💙 This time, pinagkuwentuhan namin ang mga unang naiisip, nararamdaman, at pinaghahandaan namin ngayong papalapit na ang pagdating ng aming baby boy. Mula sa mga kailangang bilhin at ayusin sa bahay, household help, hanggang sa mga excitement, worries, expectations, at mga tanong namin bilang first-time parents. Walang experts dito—dalawang mag-asawa lang na nangangapa, natututo, at excited salubungin ang bagong chapter ng buhay namin bilang isang maliit na pamilya. Samahan n'yo kami sa isa na namang kuwentuhang puno ng pagmamahal, tawanan, at konting kaba. Listen up, yo!
Episodes
429: Touchdown, Baby! - Ready na ba tayo? w/ Reich Carlos-Sangalang
ListenedAfter ng gender reveal, diretso kami ni Reich sa isa na namang The Linya-Linya Show episode para sa second installment ng aming Touchdown, Baby! series! 👶🏻💙 This time, pinagkuwentuhan namin ang mga unang naiisip, nararamdaman, at pinaghahandaan namin ngayong papalapit na ang pagdating ng aming baby boy. Mula sa mga kailangang bilhin at ayusin sa bahay, household help, hanggang sa mga excitement, worries, expectations, at mga tanong namin bilang first-time parents. Walang experts dito—dalawang mag-asawa lang na nangangapa, natututo, at excited salubungin ang bagong chapter ng buhay namin bilang isang maliit na pamilya. Samahan n'yo kami sa isa na namang kuwentuhang puno ng pagmamahal, tawanan, at konting kaba. Listen up, yo!
428: Bara-Bara - Siya si Masta! w/ Mastafeat
ListenedIsa sa mga beterano at pinaka-recognizable na emcees sa battle rap scene—mula Bahay Katay hanggang FlipTop, Motus, SpitYoBars, at iba’t ibang liga—kasama natin ngayon si Mastafeat! Napagkwentuhan namin ang simulain niya sa GMA, Cavite, paano siya napasok sa hip hop at battle rap, at kung paano nabuo yung style na kilala sa kanya ngayon: freestyle, melodic delivery, at unpredictable humor. Binalikan din namin ang naging journey niya mula Process of Illumination at early FlipTop battles, hanggang pandemic-era performances, criticism, setbacks, paglabas sa iba’t ibang liga, at muling pagpapakilala sa sarili bilang emcee. At siyempre, nakilala rin natin si Mastafeat sa labas ng battle rap: pamilya, trabaho, acting, priorities habang tumatanda, at kung paano siya naging “Kuya Pito” para sa mas bagong generation ng emcees. Sa dami ng naging version ni Mastafeat sa paglipas ng panahon—sino nga ba talaga ang totoong Masta? At ano pa ang gusto niyang patunayan? Bagong episode ng Bara-Bara, collab podcast ng The…
427: Paano Ba ’Tong Parenting? w/ Bianca Gonzalez
ListenedNakasama ulit natin sa The Linya-Linya Show si Bianca Gonzalez—award-winning host, podcaster, author, advocate, at mom of two—and sakto, dahil malapit na rin akong maging tatay, at marami akong tanong. 😅Napag-usapan namin ang journey niya sa pagiging parent, paano nagbabago ang marriage at priorities kapag may mga anak na, paano maging mabuting partner habang nangangapa bilang parent, at kung anong klaseng tao ba talaga ang gusto nating palakihin.Napunta rin ang usapan sa mas malaking tanong: paano tayo nagpapalaki ng mga anak sa panahong ang daming uncertainty sa mundo at sa Pilipinas? Paano sila mamumulat nang hindi nawawalan ng pag-asa? At bilang mga magulang, ano ang responsibilidad natin sa mundong ipapamana natin sa kanila?Ituring natin itong reflection period (or pod, hehe), mula sa isang nanay na ilang chapters ahead sa journey na sisimulan pa lang namin ni Reich.Parents, soon-to-be parents, mga nagpaplanong magpamilya, o kahit sino ka pa—sana mapakinggan n’yo.Listen up, yo!
426: BOOKSAN ANG KINABUKASAN w/ Karol Mark Yee
ListenedAno ba talaga ang lagay ng edukasyon sa Pilipinas—at saan tayo magsisimulang mag-ayos?Kasama natin sa episode si Karol Mark Yee, Executive Director ng EDCOM II, para pag-usapan ang Philippine education system: bakit mahalaga ang foundational learning, ano ang sinasabi ng data, ano ang progress na nakikita natin, at paano natin masisigurong ang mga report at roadmap ay mauuwi sa totoong pagbabago.Napag-usapan din namin kung paano siya nananatiling hopeful sa kabila ng bigat ng trabaho, at kung ano ang puwedeng gawin ng ordinaryong Pilipino para makatulong.At siyempre, pinagkuwentuhan namin ang BOOKsan ang Kinabukasan—project ng Linya-Linya, EDCOM II, Caritas Philippines, at Alay Kapwa na naglalayong maghatid ng books at reading spaces sa mga batang nasa underserved communities.Dahil minsan, isang libro lang ang pagitan ng isang bata at ng mas malawak na mundo.Kung gusto ninyong tumulong, puwedeng mag-donate, magbasa pa tungkol sa campaign, at bumili ng Linya-Linya × BOOKsan ang Kinabukasan collab shirt para…
425: Bara-Bara - Libre Ang Mangarap, Pero Magastos Mabigo w/ BATAS
ListenedIsa sa pinakasolid na battle emcees, at isa rin sa pinakasolid kakwentuhan—ang back-to-back FlipTop Isabuhay Champion, rap artist, at content creator, mula Canada para sa inyo: BATAS!Nag-catch up kami tungkol sa buhay niya ngayon sa Canada: mga naging trabaho, kumusta ang work ngayon, at kung paano nagbago ang pananaw niya bilang bagong erpat.Napag-usapan din namin ang mga trip niya outside battle rap—vinyl records, collecting and listening to music, beatmaking—at kung paano niya patuloy na kino-connect ang sarili sa hip-hop kahit nasa bagong lugar, habang bina-balance ang passion, trabaho, at pamilya.Bilang isa sa mga emcee na naabutan ang simula ng FlipTop at dumaan sa iba’t ibang era ng liga, ibinahagi rin ni Batas ang POV niya sa evolution ng battle rap, sa patuloy na paglago ng hip-hop culture at community, at kung may gutom at gigil pa ba siyang bumalik sa battle stage.At siyempre, pinag-usapan din namin ang linyang matagal nang tumatak sa marami at ngayon ay bahagi na rin ng Linya-Linya × Batas…