Episode's summary
Matapos ang simpleng hapunan kasama ang pamilya, nagpaalam si Benjie na may kakausapin lamang siyang kaibigan. Nangako siyang babalik agad at bibilhan ng paboritong chichirya ang siyam na taong gulang niyang anak na si Junjun. Pero lumipas ang buong gabi at hindi na siya nakauwi. Isang testigo ang nagsabing nakita si Benjie na may kausap na dalawang lalaki sa crossing. Nakumpirma rin ito sa CCTV ng barangay hall. Pagkaraan, natagpuan sa daan patungo sa ilog ang sling bag at sapatos na suot niya noong gabing mawala siya. Dahil sa mga salaysay at nakuhang ebidensya, nagsimula ang isang murder investigation. May mga nasampahan ng kaso, nahatulan, at nakulong. Para kay Lea at Junjun, tila natapos na rin ang mahabang paghahanap nila sa katotohanan. Ano nga ba ang totoong nangyari kay Benjie Agtipa? At sino ang tunay na salarin sa kanyang pagkawala? Pakinggan ang isang madilim at emosyonal na Tagalog crime drama tungkol sa isang pangako, isang pamilyang iniwan nang walang sagot, at isang kasong hindi pala nagtapos…

Episodes
CASE #10: Nasaan si Benjie Agtipa? | Killer's Diary
ListenedMatapos ang simpleng hapunan kasama ang pamilya, nagpaalam si Benjie na may kakausapin lamang siyang kaibigan. Nangako siyang babalik agad at bibilhan ng paboritong chichirya ang siyam na taong gulang niyang anak na si Junjun. Pero lumipas ang buong gabi at hindi na siya nakauwi. Isang testigo ang nagsabing nakita si Benjie na may kausap na dalawang lalaki sa crossing. Nakumpirma rin ito sa CCTV ng barangay hall. Pagkaraan, natagpuan sa daan patungo sa ilog ang sling bag at sapatos na suot niya noong gabing mawala siya. Dahil sa mga salaysay at nakuhang ebidensya, nagsimula ang isang murder investigation. May mga nasampahan ng kaso, nahatulan, at nakulong. Para kay Lea at Junjun, tila natapos na rin ang mahabang paghahanap nila sa katotohanan. Ano nga ba ang totoong nangyari kay Benjie Agtipa? At sino ang tunay na salarin sa kanyang pagkawala? Pakinggan ang isang madilim at emosyonal na Tagalog crime drama tungkol sa isang pangako, isang pamilyang iniwan nang walang sagot, at isang kasong hindi pala nagtapos…
Ano ang Killer’s Diary? | Official Podcast Trailer
ListenedMahilig ka ba sa crime-drama stories at murder mysteries? Kung oo, nasa tamang podcast ka. Sa bawat episode, papasukin natin ang mundo ng mga killer, at mga kasong kayang magpabago sa buhay ng isang tao. Sama-sama nating susuriin ang mga kuwentong nababalot ng sikreto, kasinungalingan, at misteryo. Kaya kung handa kanang sumilip sa pinakamadilim na bahagi ng pag-iisip ng tao, samahan mo kami sa bawat pahina ng mga misteryo sa Killer’s Diary. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
CASE #09: Ang Beteranong Detective at ang Makulit Niyang Partner | Killer's Diary
ListenedTahimik ang lungsod, ngunit sa dilim ng madaling-araw, may gumagalaw na hindi napapansin ng sinuman. Sunod-sunod ang mga nawawalang tao. Dugo lamang ang naiiwan sa crime scene, ngunit walang bangkay, walang saksi, at walang bakas ng salarin. Sa gitna ng imbestigasyong tila wala nang patutunguhan, isang matandang tagabaryo ang lumapit kina Detective Luigi at Sgt. Cris, dala ang isang kakaibang obserbasyon. Isang truck. Isang liblib na lugar. At isang ruting maaaring magdala sa kanila sa taong matagal na nilang hinahanap. Ngunit sa kasong puno ng kasinungalingan at panlilinlang, ang pinakamalaking panganib ay hindi lamang ang salarin. Ito ay ang paniniwalang tama na ang lahat ng iyong nalalaman. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
CASE #08: Part 2 | Ang Clout Chaser na Hiker | Killer's Diary
ListenedMatagal nang walang major hike ang magkakaibigang sina Roger, Cora, at Arthur. Kaya nang mapagkasunduan nilang akyatin ang Mt. Nangtud sa Antique, agad silang naghanda para sa isang technical at mahirap na trail. Ngunit sa gitna ng kanilang pag-akyat, isang mensahe ang natanggap ni Roger na nagbunyag ng problemang matagal niyang itinatago. Habang papalalim sila sa bundok, unti-unti ring nagbabago ang samahan ng tatlong magkakaibigan. Ano ang naghihintay sa kanila sa Mt. Nangtud? Pakinggan ang CASE #08: Ang Clout Chaser na Hiker| Part 2 ng Killer's Diary. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
CASE #08: Part 1 | Ang Clout Chaser na Hiker | Killer’s Diary
ListenedMatagal nang walang major hike ang magkakaibigang sina Roger, Cora, at Arthur. Kaya nang mapagkasunduan nilang akyatin ang Mt. Nangtud sa Antique, agad silang naghanda para sa isang technical at mahirap na trail. Ngunit sa gitna ng kanilang pag-akyat, isang mensahe ang natanggap ni Roger na nagbunyag ng problemang matagal niyang itinatago. Habang papalalim sila sa bundok, unti-unti ring nagbabago ang samahan ng tatlong magkakaibigan. Ano ang naghihintay sa kanila sa Mt. Nangtud? Pakinggan ang CASE #08: Ang Clout Chaser na Hiker | Part 1 ng Killer’s Diary. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.